"siguro nga totoo talaga yung malas. yung mismong salitang malas."
- anonymous
well, siguro nga. totoo yung sinasabi kung sino man ang nagsabi nito.hindi naman sa nagpapaka nega tayo dito. pero kung may reference tayo tungkol sa malas, pinaka magandang konsultahin si Machiavelli. may pagtingin ang mamang ito tungkol sa malas.
pag nasa manila ka, kelangan matigas ang sikmura mo. pero hindi naman ibig sabihin kelangan matigas din ang mukha mo. pero nagdadalawang isip ako tungkol sa huli kong sinabi. pero kapag nagtagal-tagal ka sa maynila, masasabi mo nga na talagang nasa pagitan ka lang talaga ng malas at swerte. nga lang, mas malaki ang percentage ng pagiging malas.
tataya ka sa ending - malas
tataya ka sa jueteng - malas
tataya ka sa lotto - malas
susubukan mong mabago ang buhay mo - malas
maghahanap ng trabaho - malas
maghahanap ng pagkakakitaan - malas
sana na nga lang kahit man lang sana sa pangarap na lang ay ligtas na tayo sa malas.
itutuloy...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento