Gasino...
Ako ito, si Mengky na nagkekwento, basta Mengky lang, ayaw ko kasi ng apelyido ko, ngunit maliban pa doon gusto ko din ipagsigawan sa inyong lahat na ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko dahil ngayon ay umalis na ako sa opisina kung saan ako tatlong taong nagtrabaho at sinimulan ko nang mag isip-isip. Inisip ko ano ang buhay sa loob ng bakod o kaya sa mga gusaling nagsusulputan sa kahabaan ng Edsa. Paano kung naroon ako at tatawagin ka lang paulit-ulit. Tama, yung pangalan ko, hindi yung apelyido na nakuha ko sa tatay ko. Ni hindi din kasi sumagi sa isip ko na maging parte nya ang buong pagkatao ko. Gusto ko lang talaga Mengky, un lang ang gusto kong marinig. Hindi ko din alam ang ibig sabihin nun pero katunog kasi na monkey o unggoy. Tanggap ko naman na mukha akong unggoy. At syempre espesyal din ito sa akin dahil ipinangalan ito sa akin ng isang tropa bago sya naging Nice People Around o NPA.
Maganda na rin yun. Kaysa mga bansag sa atin noon ng mga nanakop sa atin nung unang panahon. Halimbawa yung indio/ indyo. Hindi naman ako taga-India, ikaw ba? Tatanggapin mo ba yung bansag na yun mula sa katangahan ng mga mananakop na Espanyol noon na akala nila na lahat ng dadaungan nila ay teritoryo ng India, kaya ayun nagka malas-malas lahat tayo naging Indio na. Ayos na sa akin yung Mengky talaga. Gusto ko na rin kasi yun. May pilantik kasi sa lengwaheng Ruso, lalo na’t babaybayin mo, idol ko din kasi si Doetevsky kaya.
Gusto ko Mengky lang ang isusulat ko sa lahat ng gawa ko. Kung meron man idudugtong gusto ko yung “Malaya”. Yun kasi ang kinalakhan kong barangay sa Kyusi at doon ako natuto magsimula, doon ko din simulang buuin ang konsepto ng kaibigan, ngunit ngayon ay hindi ko alam kung pwede pa din ba yung salitang “Malaya”. Hindi ko din alam kung asan na yung mga kakilala ko doon, kailangan nilang lumipat sa kung saan saang resettlement area, karamihan kasi ay nademolish na, mga iskwater daw kasi kami. Pero yung iba, naroon pa din, hindi ko lang alam kung ano na ang mga pinag gagawa nila. Lalo na si Amado, na dahil magkasunod lagi kung tawagin ang pangalan naming sa klase kaya halos nagtawagan kami na “brother”. Hindi ko din alam si Michael, na isa sa matinik sa klase namin pagdating sa Math. Ewan ko din kung ano nang nangyari kay Dizon, kung nasa military pa din ba sya. Parte na sa kwento ng Malaya ang mga eskinita, hindi pwedeng mawala iyon. Ang mga eskinita papasok sa bawat bukana na makikita mo sa kalsada doon. Kapag pumasok ka parang walang dulo. Titiyakin mong titingin ka sa dinaraanan mo, sa itaas kasi baka mauntog ka o sayaran ka ng mga sampay; sa ibaba kung basa naman, maswerte kung tuyo ang madadaanan mo.
Yun nga, ngayon ay halos wala naman pinagkaiba sa mga nagdaang araw. Mabuti nga lang wala akong ibang drama sa buhay. Alam kong nakakakonsensya sa nanay at kapatid ko na umalis ako sa trabaho. Pero yung iisipin ko din ang sarili ko sa loob pa ng isang taon sa isang opisinang walang pagbabago at walang katiyakan. Paulit-ulit lamang. Para lang akong pinagugulong gulong. Ayaw ko naman sa susunod na buhay ko e gulong lang ako. At sasabihin sa konsensya ko na – ` “Ayaw mo ba ng pera,” mas panget pakinggan pa kung Ingles yun. Ito pa, “Paano ka na kung wala kang trabaho, pamilya mo?” Paulit-ulit yun, at yun ang sinasabi sayo ng buong sistema.
Nakakatawa sila, at akala nga nila nakakatawa talaga sila, at kung may susunod mang pagkakataon, kung meron man dahil sa pinapakitang kabaitan at kabutihan nila, sisiguraduhin ko na lahat ng sagot sa tanong nila ay hindi nila malalaman. Ano ako walang isip? Posible siguro sa kanila. “Modus Vivendi,” ika nga sa latin, ay este sa salitang latin, pero hindi pa din nila ako mapapasagot. Pero kung hinihingi ng sitwasyon, idaan na lang natin sa masining na paghayag –
“Ayoko na sa basurahang ito! Hindi nyo ako kailangan? Mas lalo kayo!”
Hindi naman pasigaw yun, sa totoo lang. Nilagyan lang natin ng unting drama. Retorika. Yun ang pumapasok sa kukote ko habang binabaybay ang pag alis ko sa opisina kung saan ako nagtrabaho. Kahit mamatay naman ako, wala naman silang pakealam. Kahit mag-abang pa ako ng awa, at wag na wag mong gagawin yan. At kahit makatalugan ko pa ang pagbibigay ng pag unawa nila, hihilingin pa nila sa akin na mas maganda pa nga na matulog na lang ako, habang buhay. Ganun parati ang sistema.
At ngayon, totoong gising ako mula sa pagkakatulog. Bumangon ako, naligo ako, nagsuot ako ng damit at pantaloon. Alam ko na magiging maganda ang araw ko.
June 29, 2013